bata
-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Abot hanggang langit ang kaligayahan ng isang ama matapos mai-turn over sa himpilan ng Bombo Radyo Butuan ang kanyang pipi na 9-anyos na anak, ilang minuto lang matapos itong mananawagan sa ere.

Emosyonal na umapela sa mga tagapakinig si Nicanor Amora, residente ng Purok 1-B, Brgy. Ampayon nitong lungsod matapos mawala nitong Miyerkules ng gabi ang kanyang anak na si Jenric.

Nang di nila ito matagpuan ay dumulog na sila sa Bombo Broadcast Center upang matulungang maibalik ang kanyang anak.

Pagkalipas naman ng iilang minuto ay dumating din sa himpilan si Oneil Egkin na residente ng Purok 1, Brgy. Tiniwisan upang i-turn over ang bata na nakita nilang umiiyak sa harapan ng kanilang tindahan matapos na hindi na matunton ang kanilang tirahan kung kaya’t inuwi niya ito sa kanilang bahay.

Malaki ang pasasalamat ni Nicanor sa Maykapal pati na kay Egkin at sa Bombo Radyo Butuan dahil hindi umano siya nagkakamali ng puntahan para lamang mahanp ang kanyang anak.

-- Advertisement --