island1
-- Advertisements --

island2

Pinangunahan ni JTF Tawi-Tawi at 2nd Marine Brigade Commander Col. Romeo Racadio ang pagbisita sa limang island communities sa probinsiya kasama ang Naval Task Group Tawi-Tawi, partner government agencies at non-government organizations mula October 6 hanggang October 10,2021.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Col. Racadio kaniyang sinabi, dalawang barko ng navy ang kanilang ginamit ang BRP General Mariano Alvarez (PS-38) at BRP Juan Magluyan (PC-392) para marating ang mga nasabing island municipalities.

Ayon kay Racadio, kanilang binisita ang municipalities ng Mapun at Turtle Islands na bahagi pa ng probinsiya ng Tawi-Tawi.

Kanila din binisita ang dalawang isla na tinaguriang geographically isolated areas, ito ay ang Great Bakungan at Lihiman Islands.

-- Advertisement --

Binigyang-diin ni Col. Racadio, layon ng kanilang pagbisita sa mga nasabing island communities ay para magsagawa ng assessment na may kaugnayan sa security sector na maaring maka contribute sa socio-economic development ng mga nasabing komunidad.

Ang nasabing pagbisita ay nataon din sa launching ng Sovereignty Marker Project sa Great Bakungan Island.

island7

Highlight sa pagbisita ng grupo sa Mapun ay ang Tree Planting activity sa Philippine Air Force’s Tactical Operations Squadron grounds matatagpuan sa Mapun Airport kung saan nakilahok dito ang mga personnel mula sa Headquarters, 2nd Marine Brigade, Marine Battalion Landing Team 12, Philippine Air Force’s Tactical Operations Squadron Mapun, Coast Guard Station Mapun, Mapun police, LGU Mapun, at iba pang mga stakeholders sa nasabing lugar.

Kasunod nito ang ginawang Courtsey Call ng grupo ni Col. Racadio kay Mayor Suraida Muksin at sa Sangguniang Bayan members nito.

Habang ang mga navy Seals at personnel mula sa Marine Force Reconnaisance Group ay nagsagawa ng hydrographic survey at land area inspection sa may bahagi ng Jurata Bay at sa kalapit na lugar nito.

Ayon sa Naval Forces Western Mindanao na ang nasabing bay ay isang potential commercial harbor o maaaring maging Navy Forward Operating Base (FOB) sa hinaharap.

island10

Samantala, nagsagawa din ng assessment sa Cagayan de Sulu Airport si Ms. Josephine Patilla, OIC, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa posibleng improvement sa kanilang mga facility.

Habang ang Philippine Statistics Authority (PSA) Tawi-Tawi team ay nanguna sa pag isyu ng National ID sa mga residente sa nasabing lugar.

Sa Municipality ng Taganak, Turtle Islands, nag Courtesy Call din ang grupo ni Racadio kay Mayor Mohammad Faizal Jamalul na sinundan din ng ibat ibang civic action activities kung saan nakatutok ito sa kapakanan ng mga bata.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang mga sumusunod: feeding, taekwondo demonstration, ball games, gift-giving at tree planting activity na isinagawa sa Poblacion.

Tinungo din ng grupo nina Col. Racadio ang Baguan Island, na siyang tinaguriang country’s major sea turtle conservation site.

island11

Huling lugar na tinungo ng grupo ay ang volcanic mud sa Lihiman Island.

“All of these activities are geared to set initial milestones and foot prints which are aligned with the Archipelagic Coastal Defense Concept (ACDC) of the Philippine Marines and its foundational objectives, representing the long-term strategy of the Marine Corps in the operating environment. The strategy seeks to promote the security of the littoral areas in the archipelago while pursuing the agenda to support socio-economic development,” pahayag ni Col Racadio.