Facebook Fake Account 2
-- Advertisements --

Iniimbestigahan na rin ng National Privacy Commission (NPC) ang ulat tungkol sa nagsulputang mga pekeng accounts sa social media platform na Facebook.

Sa isang statement sinabi ni Privacy Commissioner Raymund Liboro na patuloy ang ginagawang monitoring ng ahensya para malaman kung sino ang nasa likod ng mga account na gamit ang pangalan ng maraming indibidwal.

Sa ngayon patuloy daw na nakakatanggap ng ulat ang NPC mula sa iba’t-ibang sektor, partikular na sa mga eskwelahan.

“While the extent of these incidents are not yet fully determined at this time, we have been receiving reports from different sectors, mostly coming from academic institutions.”

Nakausap na raw ng tanggapan ang pamunuan ng Facebook Philippines na nag-iimbestiga na rin sa insidente.

-- Advertisement --

Inatasan na rin umano ni Liboro ang kompanya na agad i-report ang makukuha nitong impormasyon tungkol sa sitwasyon.