Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang isinusulong na National ID System.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde na wala namang nakikitang mali ang PNP sakaling ito’y ipapatupad.

Giit pa ni Albayalde na ang Pilipinas ay isa lamang umano sa mga bansang hindi pa nagpapatupad ng ganitong sistema.

Partikular na tinukoy ni Albayalde ang China kung saan kasama raw sa kanilang National ID ang facial recognition.

Tiniyak naman ng opisyal na ang National ID ay ligtas sa kanilang pangangalaga at hindi gagamitin sa mga kritiko ng pamahalaan.

Ayon kay Albayalde na wala namang dapat ikatakot ang mga law abiding citizen ng bansa sa ipapatupad na National ID system.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here