Tinanggal na ang tatlong fuel rods mula sa reactor ng Fukushima Daiichi nuclear power station.

Ito ay matapos ang naganap na pagtama ng magnitude 9 na lindol noong Marso 11, 2011.

Ayon sa Tokyo Electric Power Co. na sinimulan na nila ang trabaho sa pagtanggal ng mga fuel rods mula sa storage pool sa reactor building 3.

Ang nasabing building ay nasira dahil sa hydrogen explosion.

Magugunitang aabot sa mahigit 20,000 katao ang namatay dahil sa nasabing malakas na paglindol.