Panibagong 9,000 locally stranded individuals (lsiS) ang mapapauwi muli ng “Hatid Tulong” program ng pamahalaan bukas, araw ng Sabado at sa Linggo.
Sinabi ni Presidential Management Staff (PMS) Assistant Secretary at lead convenor ng “Hatid Tulong” program Joseph “Joy” Encabo na ang mga LSIs na uuwi sa Mindanao ay bukas ihahatid at ang mga taga-Visayas ay sa Linggo lalo na sa region 8 at sa region 6.
Ayon kay Asec. Encabo, sa pangkabuuan ay umaabot na sa 135,000 ang mga LSIs na napapauwi na sa kani-kanilang lalawigan.
Tiniyak naman ni Asec. Encabo na lahat ng kumpirmadong 9,000 LSIs na uuwi ay isasailalim muna sa rapid test at may travel authority galing PNP at Department of Interior and Local Government (DILG) bago payagang makabiyahe.
Pagdating naman sa kani-kanilang lalawigan, sasailalim muli sa PCR swab test ang mga LSIs kasunod nito ay pag-quarantine ng 14 araw habang hinihintay ang resulta ng test.