Hinatulan ng panibagong anim na taong pagkakakulong dahil sa korupsyon ang napatalsik na lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.
Dahil dito, aabot na sa kabuuang 26 na taong makukulong si Suu Kyi na nasakdal sa iba’t ibang kaso.
Sa panibagong hatol laban kay Suu Kyi, nasentensiyahan ito ng tig-tatlong taong pagkakakulong sa dalawang kaso ng korupsiyon kung saan inakusahan ito ng pagtanggap umano ng suhol na umaabot ng $550,000 mula sa negosyanteng si Maung Weik. Sabay na isisilbi ang dagdag na jail time ni Suu Kyi.
Subalit, itinanggi namn ni Suu Kyi ang paratang laban sa kaniya na nananatiling nasa magandang kalagayan at nakatakdang umapela sa naging hatol sa kaniya.
Kasalukuyan din itong humaharap sa pagdinig sa limang iba pang corruption charges.