Reading Time: 1 minute

Isinisisi ng Malacañang sa nakaraang administrasyon ang nararanasang problema sa transportasyon sa Metro Manila.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador panelo, noon pa man ay humihingi na ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang problema sa matinding trapiko pero ipinagkait ito ng Kongeso.

Ayon kay Sec. Panelo, ang kasalukuyang problema sa LRT (Light Rail Transit) at MRT (Metro Rail Transit) ay bunga ng kapabayaan at kapalpakan ng mga nakaraang administrasyon.

Puspusan aniya ang ginagawa ng administrasyon ni Pangulong Duterte na ituloy ang rehabilitasyon sa MRT at LRT pati na ang kontruksyon ng Metro Manila Subway, MRT-7, LRT- Cavite extension at Philippine National Railways-Clark.

Nanindigan pa si Sec. Panelo na walang mass transport crisis kahit na palyado ang operasyon ng MRT at LRT sa Metro Manila.

“The present problems in our mass transit system (LRT and MRT) are the products of many years of neglect by the previous administrations. This Administration however considers these problems as solvable, and the LRT and MRT management are already doing something about it,” ani Sec. Panelo.