Napuno nang positive vibes ang pagsisimula ngayong araw ng training camp ng Los Angeles Lakers.

Kapwa nagpalitan pa nang papuri ang dating MVP at kampeon na si LeBron James at ang bagong miyembro ng koponan na si Anthony Davies.

Ayon kay LeBron positibo sila sa pagsisimula ngayong araw ng Lakers practice sa kanilang pasilidad para sa panibagong kampanya sa 2019-2020 lalo na at nakakadismaya ang nakaraang season.

Todo-papuri si James sa sobra umanong galing ni Davis na kanilang nakuha mula sa Pelicans.

Para naman kay Davis, na anim na beses na naging bahagi ng All-Star sa kanyang pitong seasons, nagpapasalamat sya sa pagbibigay pugay sa kanya ni James lalo na sa kanyang kakayahan.

Tiniyak na lamang ni Davis na magiging madali ang kanilang trabaho lalo na at kapwa naman “selfless players” silang dalawa.

Inaasahan daw ni Davis ang magandang teamwork nila ni LeBron sa court at sigurado ang pasahan nila ng bola.

Samantala sa address ng bagong coach na si Frank Vogel, nanawagan ito sa lahat ng mga players na suportahan ang bawat isa para sa ikakatagumpay na kampanya sa bagong NBA season.