Hindi raw dapat paniwalaan ng publiko ang mga pahayag ni Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy, hangga’t wala itong maipapakitang ebidensya na susuporta sa kanyang mga alegasyon laban sa oposisyon.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nais lamang ni Advincula na isalba ang kanyang sarili sa mga banta na posible niyang kaharapin kaya nito binaligtad ang kanyang akusasyon laban sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin kay Senator-elect Bong Go, hinggil sa issue ng drug money.

Sa isang pulong balitaan kahapon, Mayo 23, iginiit ni Advincula na siya si Bikoy sa serye ng mga anti-Duterte videos at sinabi na si Sen. Antonio Trillanes IV at mga kaalyado ng Liberal Party ang mastermind nito.

Mariing itinanggi nina Trillanes at mga opisyal ng LP ang akusasyon ni Advincula at kinuwestiyon ang kredibilidad nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here