NAIA Terminal 3
NAIA

Isasara mula 11 a.m. hanggang 11 p.m. ngayong Disyembre 3, 2019 ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 hanggang 4.

Ayon kay Manila International Ariport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, ito ang napagkasunduan nila ng mga airlines companies dahi sa banta ng bagyong Tisoy para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Inaasahan na aabot sa 480 flights ang maapektuhan sa nasabing pagsara ng paliparan.

Pinakiusapan na rin nito ang mga airline companies na kung maaari ay bigyan ng matutulugan ang mga pasahero na maaapektuhan dahil sa pagsara ng paliparan.

Kapag bumalik na sa normal ang flights ay magiging prioridad ang naka-schedule na flights habang ang recovery flights ay magiging first-come, first-served basis.