CAGAYAN DE ORO CITY – Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC) na buhay pa ang pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Northern Mindanao.

Ginawa ang paglilinaw matapos magkalat ang balitang tuluyan na raw binawian ng buhay ang 47-anyos na pasyente.

Ngunit inamin naman ni NMMC chief Dr Jose Chan na nasa kritikal ang kalagayan ng pasyente matapos madapuan ng virus.

Patuloy pa ring nakikipaglaban ang pasyente sa tulong sa mga doktor laban sa nakamamatay na virus upang maibalik ang sigla ng kanyang kalusugan.