DAVAO CITY – Arestado ang nagpakilalang anak ng gobernador sa drug buy-bust operation ng Joint Intelligence Team ng Toril Police Station at Intelligence Branch ng Davao City Police Office alas-4:00 kahapon sa Room 11 Jasmine Blooms Apartelle, University Avenue sa Juna Subdivision, Talomo District nitong lungsod.

Nakilala ang suspek na si Jossone Michael Dayanghirang, nagpakilalang anak ni Davao Oriental Governor Nelson L. Dayanghirang, at kasamahan nito na si Rojhel Abear Sanchez.

Nakumpiska sa dalawa ang nasa 13 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P208,000, drug paraphernalia, cellphone, at marked money.