-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Natagpuang wala nang buhay ang lalaking sanggol habang nagpapalutang-lutang sa Naga River sa bahagi ng Barangay San Francisco, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Efren Nepomoceno, dalawang pulis ang nakita nitong naglilibot sa nasabing ilog matapos ipaabot sa kanilang himpilan na may tinapong bata sa bahagi ng Colgante Bridge.

Aniya, kaagad nagtulong-tulong ang mga barangay tanod sa lugar at dito na nakita ang bangkay ng sanggol na tinatayang nasa 7 hanggang 8 buwang gulang na sanggol.

Kaugnay nito, tinawagan ng kapitan ang DSWD at kalauna’y pina-blessing muna ang sanggol bago ito tuluyang ipalibing.

Samantala, labis naman ang pagkadismaya ng kapitan sa sinapit ng kaawa-awang sanggol.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.Top