-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Sugatan ang isang pulis matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang riding in tandem suspects sa Brgy. Gulang gulang, Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Lowie Vargas 41-anyos na kasalukuyang nakadestino sa Quezon Police Provincial Office at residente ng Real, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, sinasabing habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng kalsada sa nasabing lugar ng biglang dumating ang mga salarin.

Pinagbabaril ng mga ito si Vargas na nagtamo ng tama sa iba’t ibang bahagi ng kanyang mukha at katawan.

Dahil dito, agad naman itong dinala sa Quezon Medical Center.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nananatili namang at large ang mga suspek na sinasabing agad tumakas matapos ang nasabing insidente.TopPost Reply  1 post • Page 1 of 1