-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Mariing kinokondena ng pamunuan ng Naga City Police Office ang pamamaslang sa dalawang pulis sa Naga City.

Una nang kinilala ang mga biktima na sina PCMSGT Romeo Padua ng Police Station 1 at PCpl Christian Juarez Del Valle ng Police Station 5

Mababatid na habang nakaduty ang dalawang pulis nang bigla na lamang pagbabarilin-patay ng suspek na si Jerico Cano.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMS Toby Bongon, ang tagapagsalita ng NCPO, sinabi nito na kalunos-lunos ang sinapit ng mga biktima sa kamay ng suspek.

Aniya, magsisilbing paalala umano sa mga kapulisan ang nangyaring insidente para mas maging alerto at maingat sa anuman na oras.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ilalagay sa Half Mast ang watawat ng PNP upang ipakita ang simpatya sa mga kabarong nasawi.