-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Nilinaw ng himpilan ng pulisya ng Baao na hindi pa maiikonsidera na kidnapping ang nangyari sa isa nilang tauhan na una ng naireport na nawawala.

Ito’y matapos naman na matagpuan ang abandunadong sasakyan ng nawawalang pulis na si PCpl. Erick Cabilao sa Bula, Camarines Sur.

Ayon kay PMaj. Mary Grace Tagtag, Chief of Police ng Baao Municipal Police Station, sinabi nito na hindi pa nila matatawag na nakidnap o nagkaroon ng abduction dahil wala naman umanong nakakita dito.

Dagdag pa ng opisyal, habang nasa byahe umano ang ilan sa kanyang mga tauhan papunta sa Camarines Sur Police Provincial Office ng matagpuan ng mga ito ang sasakyan ni Tabilao na naka park sa gilid ng kalsada at nawawala pa umano ang dashcam nito.

Samantala, ayon naman sa kasintahan ni Tabilao wala naman itong nakaaway o natanggap na death threat.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nagpapadagos ang isinasawa nilang pakikipagtulungan sa iba pang himpilan para sa posibleng agarang pagkatunton sa nasabing nawawalang pulis.