-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Natagpuang wala ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos magpakamatay sa Brgy. Agdangan, Baao, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Cezar Vejerano, 55-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSg Erwin Salcedo ng Baao-PNP, sinabi nito na una ng nakita ang biktima ng kanyang anak na babae na
nakabitay na sa loob ng kanilang bahay gamit ang isang nylon na lubid na itinali sa pinakamataas na parte ng kisame ng kanilang bahay.

Ayon kay Salcedo, ilang minuto matapos ang insidente ay agad namang naisugod sa ospital ang biktima ngunit dineklara ng dead on arrival ng mga
doctor.

Habang base sa imbestigasyon napagalaman na kasalukuyang nakakaranas ng mild stroke ang biktima kung saan pinaniniwalaang ito ang pinag-ugatan ng depression nito.

-- ADVERTISEMENT --

Napag-alaman din na una ng uminom ng alak ang biktima bago isinagawa ang insidente.

Samantala, binigyang-diin naman ni Salcedo na walang nangyaring foul play sa nasabing insidente.