NAGA CITY – Arestado ang apat na indibidwal matapos ang isinagawang buy bust operation sa Sitio Malaking Irrigation, Barangay Talipan, Pagbilao, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Edwin Mestro, 44-anyos; Jasmin Dagohoy, 38-anyos; Leo Tagle, 36-anyos at Rizalde Abrasaldo, 35-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na gamit ang P500 peso bill na buy bust money, nakabili ang nagpanggap na poseur buyer sa mga suspek ng isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Matapos ang nasabing operasyon, nakumpiska pa ng mga otoridad sa posisyon ng mga suspek ang dalawang pakete ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng nasa P176,664 gayundin ang mga drug paraphernalia.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.