NAGA CITY- Mahigit sa P170-K na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa dalawang suspek sa Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sina Mario Aclan, 46-anyos at Jonathan Jalla, 42-anyos, kapwa residente ng Brgy. Ransohan sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nasamsam sa nasabing mga suspek ang 10 sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na nasa 8.46 grams.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na ang mga iligal na droga may kabuuang halaga na nasa P172,584.00.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek habang nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.