-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Patay ang dalawang katao matapos na mahulog ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito sa isang ilog sa Barangay Sto. Domingo, Milaor, Camarines Sur.

Kinilala ang driver na si Aljo Teñoso, 24-anyos habang ang backrider naman nito na si Jeralyn Albis, 31-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang minamaneho ni Teñoso ang motor nito habang angkas si Albis nang aksidente itong mahulog sa nasabing ilog.

Samantala, dahil sa lakas nang impact tumilapon pa ang backrider na si Albis at nagtamo naman nang malalang tama ang driver na si Teñoso.

Agad naman umanong dinala sa ospital ang mga biktima at sinubukan pang iligtas nang mga doktor ngunit tuluyan nang binawian nang buhay ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.