-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang misis dahil sa umano’y pamamaslang nito sa kanyang mister sa Barangay Bulala, Santa Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Franz Gretchen Andes, 29-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na umuwing lango sa alak ang biktimang si Emmanuel Andes.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa na nauwi sa pananaksak ni Franz sa kanyang mister.

Tinamaan ito sa tiyan na agad namang isinugod sa ospital ngunit ideneklara nang dead on arrival ng mga doktor.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang misis habang hinahanda ang kasong isasampa laban dito.