-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Patay ang isang ginang matapos na pagtatagain nang kanyang sariling asawa habang napatay din ang suspek matapos na manlaban sa mga kapulisan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Hon. Ramil Job, ang Punong Barangay nang Barangay Mabolo sa lungsod ng Naga, sinabi nito na nagkaroon umano ng mainit na argumento sa pagitan ng biktima na kinilalang si Yhona Realo, tatlumpu’t dalawang taong gulang, isang Sales Assistant at kanyang asawa at mismong suspek na si Christopher Realo, tatlumpu’t dalawang taong gulang, negosyante residente ng Zone 1, Brgy. Mabolo Naga City na nagresulta umano sa pananaga ni Christopher sa kanyang sariling misis.

Ayon pa kay Punong Barangay Job dalawang beses na humingi ng tulong ang mga kaanak ng biktima sa mga kapulisan patungkol sa umanoy pananakit ng suspek sa kanyang asawa na agad namang nerespondehan ng mga ito.

Sa unang pagtunggo mga awtoridad sa bahay ng mag-asawa sumunod naman umano ang suspek at nangakong matutulog na pero matapos lang ang isang oras muling bumalik ang mga kaanak ni Yhona sa istasyon ng Naga City Police Office at humihingi ng tulong.

Sa pangalawang pagkakataon tumungo ulit ang mga kapulisan sa pangunguna ng SWAT team at dito na nga naaktuhan ng mga awtoridad ang pananaga ni Christopher sa kanyang asawa.

-- ADVERTISEMENT --

Pinakiusapan ng mga nagrespondeng kapulisan ang suspek na sumuko na pero nanglaban umano ito na kung saan nataga pa sa kanyang kaliwang braso si PCpl Tiaba na nagin dahilan upang barilin ang suspek ng nagrespondeng pulis.

Agad namang dinala sa ospital ang suspek pero idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, ayon pa kay Job base sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan selos at pagkakalulong sa pinagbabawal na droga nng suspek ang tinitinganang dahilan sa pananaga nito sa kanyang sariling asawa.

Sa ngayon, dahil ito ang unang pagkakataon na mayroong nangyaring hacking incident sa kanilang barangay sinabi ni Punong Ramil JOB hihigpitan umano nila ang pag-iikot at pagbabantay sa buong lugar upang matiyak na walang nakakapuslit na iligal na droga na nagiging rason sa pagkawsak ng isang pamilya.