NAGA CITY- Tinatayang aabot sa mahigit P3-milyon na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Zone 3, Triangulo Naga City.

Kinilala ang suspek na si Roselyn Verances Silvestre, 24-anyos, residente ng Sabutan Bukid Silang Cavite.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), napag-alaman na gamit an P500 na buy-bust money nakabili ang nagpanggap na poseur buyer kay Selvestre ng isang piraso ng knot tied transparent plastic na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P600,000.

Kaugnay nito, bukod pa sa buy-bust items na narekober kay Selvestre, nakuha pa rito ang nasa 300 gramo ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang aabot naman sa P3,400,000 ang halaga ng nasabing droga.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang nasabing suspek para sa karampatang disposisyon.