-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit P113-K na halaga ng pinaghihinalaang shabu sa buy-bust operation ng mga awtoridad laban sa dalawang suspek sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sila Gilbert Reynoso, 39-anyos, residente ng Brgy. Gibanga at Joffer Magsino, 26-anyos, residente ng Brgy. Sampaloc 2 sa nabanggit na bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ng isang sachet nang nasabing iligal na droga sa suspek ang nangpangap na posuer buyer.

Maliban pa dito, nakumpiska pa sa mga suspek ang anim na sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na aabot sa 5.56 grams ang kabuuang bigat ng pinaghihinalaang shabu na nakumpiska sa mga suspek at nagkakahalag ng nasa P113,424.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang kapadusahan.