-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Canaman, Camarines Sur dakong alas 10:08 ng gabi, Oktubre 14, 2021.

Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nabatid na naitala ang naturang lindol ay may lalim na 7 km at tectonic ang pinagmulan.

Samantala, naramdaman din ang naturang pagyanig sa lungsod ng Naga at mga katabing bayan.

Intensity VI – Pili, Camarines Sur
Intensity V – Sipocot, Camarines Sur
Intensity III – Iriga City
Intensity II – Legazpi City, Albay
Intensity I – Mercedes, Camarines Norte.