-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang isang lolo sa loob ng inuupahan nitong bahay sa Mercedes, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Dasco, 64-anyos, residente ng Purok 6, Barangay del Rosario, sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office(CNPPO), napag-alaman na una ng natanggap ng mga otoridad ang nasabing pangyayari mula sa mismong may-ari ng bahay nasabing bahay.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na natagpuan itong wala ng buhay habang naka handusay na sa sahig ng nasabing bahay.

Pinaniniwalaang inatake sa puso ang nasabing biktima na naging sanhi rin ng kanyang agarang pagkamatay.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, isinailalim na sa post mortem examination ang bangkay ng nasabing biktima habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.