-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Patay ang isang School security guard matapos barilin ng kapwa security guard sa Barangay San Vicente, Buhi, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Ruben Sarcio, 39-anyos, security guard sa San Vicente National High School sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj Melvin Alayan, ang hepe ng Buhi Municipal Police Station, sinabi nito na habang nakaduty ang suspek na kinilalang si Jaime Olea Jr., 31-anyos, nang lapitan ito sa security post ng nakainom na biktima.

Aniya, dito na nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng suspek at biktima na nagresulta para barilin ni Olea si Sarcio gamit ang kalibre 38 na revolver.

Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan si Sarcio.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Alayan, dinala pa sana sa ospital si Sarcio ngunit binawian rin ito ng buhay.

Samantala, kaagad naman na naaresto si Olea matapos ang krimen.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.