-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Naputol ang kamay ng isang padre de pamilya matapos tagain ng lalaking hindi umano naimbitahan sa pamamanhikan ng anak nito sa Brgy. Cambalidio, Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Julito Buen, 62.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Staff Sgt. Emy Rose Organis, tagapagsalita ng Libmanan-PNP, sinabi nitong isang malapit na kaibigan ng biktima ang suspek na si Rosales Saralde, 33-anyos.

Ngunit nalaman aniya ni Saralde na namanhikan sina Buen sa bahay ng kasintahan ng anak nito ngunit hindi man lamang siya inimbitahan kung kaya sumama ang loob nito sa biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, kinompronta aniya ni Saralde si Buen hanggang sinubukan nitong tagain ang biktima sa ulo ngunit biglang hinarang ni Buen ang kanyang braso kung kaya ito ang tinamaan na nauwi sa pagkaputol ng kamay nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP habang pinaghahanap naman ang suspek na agad na tumakas matapos ang insidente.