-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Sugatan ang isang indibidwal matapos na pagbabarilin sa Catanauan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si James Valdez Del Prado, 26-anyos, residente ng Brgy. Madulao sa nasabing banwaan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang kausap ng biktima ang isang Ryan Subia Ramos ng bigla na lamang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek at pinagbabaril ng isang suspek si Del Prado.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad naman an dinala sa ospital.

Samantala, narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang apat na fired cartridge cases, isang slug at isang deform cover ng slug ng hindi pa malaman na uri ng baril.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga suspek.