-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Catanauan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Rembert Munar, 39-anyos, residente ng Sitio Maitim, Barangay Matandang Sabang Silangan sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nakahiga ang biktima sa may upuan malapit sa main door ng kanilang bahay habang nanonood ng TV nang bigla itong paulanan ng bala ng baril ng suspek na kinilala naman na si Allan Buagas, residente rin ng nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang kanang binti si Munar na agad naman na dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong fired catridge case at slug ng hindi pa malaman na uri ng baril.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na pagkakaaresto ng tumakas na suspek matapos ang nasabing insidente.