NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos ang isinagawanag buy bust operation na nauwi sa Armed Encounter sa Barangay Pacol, Naga City.

Kinilala ang suspek na si Francis Pesimo residente ng San Rafael, Cararayan, Naga City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), napag-alaman na kasama ang nasabing suspek sa recalibrated Database ng Illegal na droga ng mga otoridad.

Base sa imbestigasyon, habang isinasagawa ang imbestigasyon ng makatunog ang suspek na isang otoridad ang kanyang katransaksyon.

Resulta upang agad na magpaputok ang suspek at gumanti naman ang mga otoridad.

Narecover sa suspek ang pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng aabot sa P15,000.

Sa ngayon, kasalukuyan pang ginagamot ang suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban dito.