-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos na pagtatagain ng sariling kapatid sa Barangay Tan-ibaba, Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Reymondo Villegas, 58-anyos residente ng Barangay Magsaysay sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na una ng pumunta ang biktima sa bahay ng kapatid nito na kinilalang si Danilo Villegas upang komprontahin sa matagal ng alitan-pamilya ng mga ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagsisigaw pa si Reymondo at hinamon pa si Danilo na lumabas sa bahay nito.

Dito naman na lumabas ang suspek habang dala nito ang isang bolo at pinagtataga ang biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa oapital.

Samantala, agad naman na tumakas ang suspek matapos ang nasabing krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente maging ang posibleng pagtunton sa kinaroroonan ng suspek.