-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Sugatan ang isang indibidwal matapos pagsasaksakin sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Luis Perez, 50 anyos, residente ng Sitio Kaingin, Barangay Bignay 2 sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang nakikipag-inuman ang biktima sa suspek na kinilalang si Joven ReƱon, 20-anyos, nang magkaroon ng mainit na argumento ang dalawa.

Dahil dito, agad na inatake at pinagsasaksak ng suspek si Perez gamit ang isang bolo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag- alaman, na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad si Joven para sa posibleng pagkakaaresto nito habang patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.