-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin sa Caramoan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Romer BasiƱo, 39-anyos, residente ng nasabing bayan.

Sa nakalap na impormsasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang minamaneho ng biktima ang tricycle nito papunta sa Brgy. Guijalo sa nasabing bayan nang bigla na lamang itong hinarang at pinagsasaksak ng suspek na kinilalang si Ryan Creo, 34-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga sugat sa kanyang katawan ang bikitma partikular na sa kanyang tiyan na agad naman na dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang hinahanda naman ang kasong isasampa laban dito.

-- ADVERTISEMENT --