-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa Zone 5, Barangay Mananao, Tinambac, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Rodolfo Capricho, 45-anyos habang ang suspek naman ay si Leovino Boter, 43-anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek nang magkaroon ito ng maunit na pagtatalo.

Ito rin ang naging ugat upang pagsasaksakin ni Boter si Capricho gamit ang kutsilyo.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa posibleng pagkakakilalan at pagkakaaresto ng nakatakas na suspek.