-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Unisan,Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ruben Salibio Tagorita, 43-anyos, residente ng Barangay Balagtas sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang nakatayo malapit sa kanyang tricycle ang biktima sa may madilim na parte ng nasabing lugar nang bigla na lamang dumating ang suspek dala ang hindi pa malaman na uri ng baril at dito na nito pinagbabaril ang biktima.

Sa inisyal na imbistigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente, nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang biktima na agad naman dinala sa ospital.

Samantala, agad namang tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit sa nasabing krimen.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagwang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente gayundin ang pagtunton sa pagkakakilanlan ng nakatakas na suspek.