-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Barangay Cambalidio, Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Eric Pamarang, 28-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na habang natutulog ang biktima sa loob ng kaniyang bahay nang pagbabarilin ito ng suspek na kinilala naman na si Jovenson Delgado.

Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaniyang katawan ang nasabing biktima.

Samantala, agad naman na nakatakas ang suspek matapos ang nasabing insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon kan mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente gayundin ang pagtunton sa posibleng pagkakaaresto sa nasabing suspek.