-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos na pagtatagain sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Rico Balalta, 51-anyos, residente ng Sitio Dulong Ilaya, Brgy. Janagdong 1 sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, sinasabing habang nasa harapan ng bahay nito ang biktima ng dumating ang nakainom na suspek na si Roberto Maligalig, 52-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dito na nagkaroon ng mainit na diskusyon sa pagitan nina Balalta at Maligalig na naging dahilan upang bigla na lamang pagtatagain ng suspek ang biktima gamit ang isang bolo.

Dahil dito, nagtamo ng sugat ang biktima sa kaniyang kanang braso na agad namang dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na agad naman na tumakas matapos na isagawa ang nasabing krimen.