-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Candelaria Quezon.

Kinilala ang biktima na si Aldrin Pinawin, 23-anyos, residente ng Fatima Subdivision, Brgy Masin Norte sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alamang habang nakaupo ang biktima sa
kanilang terrace nang biglang dumating ang mga armadong suspek at pinagbabaril ito.

Kaugnay nito, nagtamo ng tama sa likod ang biktima na agad namang dinala sa ospital.

Narekober sa naman crime scene ang isang basyo ng bala ng baril at isang calibre 45.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matunton ang pagkakakilanlan ng suspek.