-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos na aksidenteng makuryente sa P. Burgos St., Barangay Sta. Cruz, Naga City.

Kinilala ang biktima na si Niño Serdeño, 27-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), napag-alaman na habang nililinisan ng biktima ang sliding door sa 2nd floor ng nasabing tailoring shop ng umapak ito sa signage ng naturang shop.

Kung saan, dito na nakuryente ang biktima dahilan upang mahulog ito sa konkretong kalsada.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dahil sa nasabing insidente nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, patuloy pang nagpapagaling ang biktima sa ospital.