-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Sugatan ang isang indibidwal matapos na aksidenteng makabangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang kotse sa Maharlika Highway, Roxas Avenue, Triangulo, Naga City.

Kinilala ang biktima na si Jemark Fernando, 24-anyos, residente ng Gainza, Camarines Sur.

Sa nakalap impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), napag-alaman na habang lumiliko ang behikulo na minamaneho ni Raymond Trebasco, 28-anyos, residente ng Zone 4, La Opinion, Nabua, sa nasabing probinsya ng aksidenteng makabangga dito ang motorsiklo na minamaneho ni Fernando dahilan upang mag-slide ito sa kalsada.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan si Fernando.

Sa likod nito, nagkasundo na lamang ang dalawang driver na huwag ng magsampa ng kaso at magkaroon na lamang ng amicable settlement.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, inisyuhan na lamang ng mga awtoridad ng citation ticket si Fernando dahil sa pagmamaneho ng walang lisensya gayundin para sa reckless driving.