-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na pagtatagain sa Purok 6, Barangay San Vicente, Santa Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si alyas “JUN”, 42 anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provicial Office, nabatid na nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si alyas “ELOY”, 22 anyos aksama ang ilang kamag-anak nito nang magkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek dahil umano sa selos.

Ito rin ang nagudyok sa suspek para tagain nito si Jun sa kaniyang leeg ng dalawang beses na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa nagayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.

-- ADVERTISEMENT --