-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa Tayabas, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Richard Enriquez Alamag, 34-anyos, residente ng Barangay Pinagbayanan Pitogo sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nakiki pag-inuman ang biktima sa suspek na si Jerwin Delos Santos Marcial, 35-anyos, residente ng Brgy. Lumingon, Tiaong sa nasabing lalawigan, bigla na lamang nagkaroon ng mainit na diskusyon ang dalawa.

Dahil dito, agad na kumuha ng matalim na bagay ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagsapo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa hospital ngunit tuluyan na rin itong binawian ng buhay habang ginagamot ng mga doktor.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para karampatang disposisyon.