-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos mahagip ng isang tricycle habang nagbibisekleta sa Barangay San Antonio Poblacion, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Raul Payadan, 50-anyos, residente ng Barangay Paloyon Prope sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na binabaybay ni Dindo Generel, 53-anyos, ang kahabaan ng National Road papuntang Poblacion, Nabua nang masagi ng tricycle nito ang nagbibisikletang si Payadan.

Dahil sa insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima.

Dinala pa sana sa ospital si Payadan ngunit, ideniklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.