-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos magpatiwakal sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Manolito Masalunga Limbo, 59-anyos, residente ng Purok 3, Barangay Mangilag Sur, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakita na lamang ng kanyang biyenan na babae ang biktima habang nakabitay gamit ang isang lubid at wala nang buhay.

Nabatid na may pinagdadaanang problema ang nasabing biktima sa kanyang asawa.