-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos mabangga ng isang pick-up sa Lucena City.

Nabatid na tinatayaang nasa halos 45-anyos ang nasabing biktima.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang tumatawid sa kalsada ang biktima sa Pagbilao Bound Lane sa Barangay Domoit sa nasabing lungsod nang ito’y mabangga ng isang pick-up na minamaneho ni Edward Masagana Enriquez, 58-anyos.

Kaugnay nito, ang nasabing biktima ay nakaladkad pa ng isa’t kalahating kilometro ng isa pang sasakyan na minamaneho naman ni Rumar Alajar Bantillo, 41-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa ibat’ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad naman na idinala sa ospital subalit binawiaan na ito ng buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinubukan pa sanang tumakas ng driver ng pick up subalit naharang ito ng isa pang behikulo na minamaneho ng isang Dexter Mirandilla na nakakita sa insidente.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad sina Enriquez at Bantillo para sa karampatang disposisyon.