NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos magsalpukan ang isang motorsiklo at behikulo sa Pe├▒afrancia Ave, Brgy. Pe├▒afrancia Naga City.

Kinilala ang biktima na si aul Jensen Tobongnanua, 28-anyos, residente ng Barangay Del Rosario, Pili, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), nabatid na habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Penafrancia Ave. gamit ang minamaneho nitong motorsiklo nang aksidenteng masalpukan ng behikulo na minamaneho naman ng suspek na si Danilo Agapito, 55-anyos, residente ng Villa Karangahan Subdivision, San Felipe, sa nasabing lungsod.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit binawian na rin ng buhay si Agapito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon kan mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.