-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa pa sa banggaan ng truck at tricycle sa Eco Tourism Road na sakop ng Brgy Talaan,
Aplaya, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Ronelo Andayan, 35 anyos, residente ng Purok 3 Brgy. Camarag Tambobong Baguio District, Davao City at John Carlo
Rolloque, 25- anyos, residente ng Brgy Isabang Tayabas sa nasabing probinsya.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), sinasabing galing sa Norte patungong Timog ang takbo ng minamanehong Truck ni Andayan ng aksidente itong mabangga ng papasalubong na delivery tricycle na minamaneho naman ni John Carlo Rolloque.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nakita umano ni Andayan na pagewang-gewang ang takbo ng paparating na tricycle
at nasakop nito ang kanyang linya na nagresulta ng pagbangga nito sa kanyang sasakyan.

Dahil dito nagtamo ng malalang pinsala si Rolloque na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala nagtamo rin ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan si Andayan.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring insidente.