-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasilid pa sa isang plastic garbage bag sa Brgy. Talaan Aplaya, Sariaya, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na isang Randy Piol ang nakakita sa itim na garbage bag habang pauwi sa residensiya nito.

Ngunit ng buksan niya ito, tumambad sa kaniya ang naaagnas nang katawan ng lalaki.

Kaugnay nito, nakasuot ng puting T-shirt at brown na pantalon ang katawan at pinaniniwalaang nag-eedad 40 hanggang 50-anyos.

Samantala, pinaniniwalaang sa ibang lugar pinatay ang biktima at tinapon lamang ang biktima sa naturang lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.